CATARMAN BARANGAY AT SK OFFICIALS SUMAILAILIM SA TRAINING PARA SA 2022 CBMS
Catarman N. Samar / October 1, 2022-Ang mga Barangay Officials at Secretaries kasama ang Sanggunaing Kabataan o
Officials ng Catarman ay sumailalim ng 2-day orientation at training para sa 2022 Community Based Monitoring System (CBMS) Barangay Profile Questionnaire (BPQ) and Data Sheets noong September 29, 2022 sa JS Building Catarman.
Ang nasabing training ay isinagawa sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority (PSA) Northern kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ang Local Youth Development Office (LYDO). Ito ay ang paghahanda sa mga barangay officials para sa tamang accomplishment ng CBMS forms para sa barangay.
Sa dalawang araw na training ay naka focus: Overview of 2022 CBMS BPQ & Phases of Data Collection;
Concepts and Definition of CBMS Forms; Instructions in Accomplishing CBMS Forms; and
How to Navigate the CBMS BPQ Computer Assisted Web Interview (CAWI).
Ang 2022 CBMS implementation ng Catarman ay mag-umpisa sa darating na October 16 sa taong ito pagkarapos ng 7-day training ng mga enumerators na na- hire ng LGU.
//eugene montaño enano
Comments
Post a Comment